Marikina Rehabilitation Center

KASABAY ng pagpapaigting ng laban sa ipinagbabawal na gamot, kamakailan ay nabigyan ng akredistasyon ng Department of Health (DOH) ang Marikina Rehabilitation Center, ang pasilidad ng lokal na pamahalaan na tumutugon pangangailangan sa rehabilitasyon sa mga nalululong sa ipinagbabawal na gamot.

Katuwang ang Kalinga Partylist, naghahanda na ang lokal na pamahalaan ng Marikina sa pagtatayo ng dalawang palapag na bagong Marikina Rehabilitation Center sa Brgy. Marikina Heights na mayroong sukat  na humigit-kumulang 1,200 square meters. Ang bagong gusali ay mayroong kapasidad na tumanggap ng may 100 pasyente.

Ikinatuwa naman nina Marikina Anti-Drug Abuse Council (MADAC) Chairman Mayor Del De Guzman, MADAC Action Officer Vice Mayor Jose Fabian Cadiz, at Chairman ng Committe on Dangerous Drugs Konsehal Frankie Ayuson ang akreditasyon at pagkilala sa naturang pasilidad. Kasabay nito ang panawagan sa mga kamag-anak ng pasyente na magbigay ng pag-unawa at suporta.

“Mahalagang ibigay ng miyembro ng pamilya ang suporta at pang-unawa na kinakailangan ng mga ito upang mabilis silang makalaya sa impluwesya ng ipinagbabawal na gamot,” wika ni Mayor Del De Guzman.

Ang Marikina Rehabilitation Center sa kasalukuyan ay mayroong 50 pasyenteng tinutugunan ang mga pangangailangang medikal, pisikal, sikolohikal,  ispiritwal, at sosyal ng mga nalululong sa ipinagbabawal na gamot. Bahagi ng therapy sa mga pasyente ang pagkakaroon  ng pang-araw araw na gawain, pagninilay sa sarili, pag-eehersisyo, at pagsasanay sa mga gawaing pangkabuhayan. Maaari ring sumailalim sa Alternative Learning System ang mga pasyente upang matulungang makapagtapos ng basic education. Ang therapy ay maaaring tumagal ng dalawang buwan hanggang isang taon depende sa progresong ipinapakita ng pasyente.

Bukas ang Marikina Rehabilitation Center sa mga residente ng lungsod na nais nang huminto sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Ang halaga ng pagsailalim sa rehabilistayon at therapy ay hindi bababa sa humigit kumulang PhP30,000-70,000 kada buwan sa mga pribadong pasilidad.

Samantala, inaasahang bago matapos ang taong ito ay sisimulan na ang pagpapatayo sa bagong gusali ng Marikina Rehabilitation Center.

Para sa iba mga katanungan o impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng Marikina Rehabilitation Center sa numero bilang (02) 475-4269.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply