Martin del Rosario: Big break maging anak ni Ate Vi sa The Healing

BAGAMA’T noong una’y aminadong kinabahan, nangibabaw ang kasiyahan sa batang aktor na si Martin del Rosario sa natatanging pagkakataong mapabilang sa engrandeng tribute ng Star Cinema sa ika-50 anibersaryo sa showbiz ng Star for All Seasons na si Vilma Santos sa pamamagitan ng suspense-horror film na The Healing, na ipalalabas na sa mga sinehan sa July 25.

“Kabado po ako nung first shooting day kahit sa konting hawak lang ng kamay, si- yempre si Ate Vi ‘yun,” kuwento ni Martin.

“Very blessed ako na makatanggap ng ganitong role kasi bihira lang gumawa ng pelikula si Ms. Vilma at ako pa ‘yung gumanap na anak niya.”

Ayon kay Martin, parang tunay na supportive mother niya ang Star for All Seasons sa set ng kanilang pelikula. “Sobrang bait po niya. At dahil kaeksena ko siya lagi, laking tulong po siya sa performance ko, “aniya.

“Pinag-uusapan muna namin ‘yung scene kung paano namin gagawin. Tapos, tinulungan po ako ni Ate Vi na magrehearse kahit wala pa ‘yung actual rehearsal.”

Dagdag pang kwento ni Martin, hinding-hindi raw niya makalilimutan ang pagiging humble, maaalalahanin, at husay sa pakikisama ni Ate Vi. “Off-cam, inaaya po niya ako sa standby area niya, concerned na baka naiinitan daw po ako. Tapos, sabay-sabay rin ang cast at staff na kumakain at nakikipagkwentuhan kasama siya,” aniya.

Ang The Healing ay ang kauna-unahang suspense-horror movie ni Ate Vi at ito ay nasa ilalim ng direksyon ni Chito Roño. Ang kwento ay iinog sa tradisyon ng mga Pilipino na tumutungo sa faith healers upang magpagaling.

Bilang pagpupugay sa 50th anniversary ni Vilma, isang natatanging pagsasama-sama ang binuo ng Star Cinema para sa powerhouse cast ng The Healing.

Bukod kay Martin, kasama rin ni Ate Vi sa pelikula sina Kim Chiu, Janice de Belen, Mark Gil, Allan Paule, Cris Villanueva, Daria Ramirez, Ces Quesada, Ynez Veneracion, Simon Ibarra, Abi Bautista, Joel Torre, Chinggoy Alonso, Mon Confiado, Carmi Martin at Pokwang.

Mapanonood na ito sa mga sinehan nationwide sa July 25, 2012! Para sa karagdagang impormasyon tungkol dito, bisitahin lamang ang www.Star Cine- ma.com.ph,

o i-‘like’ ang mga official page ng pelikula sa http://facebook.com/TheHealingFilm,http://facebook. com/StarCinema o http://twitter.com/StarCinema.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply