Masamang biro nauwi sa saksakan, 1 kritikal

DAHIL sa masamang biro, nauwi sa pananaksak ang masayang inuman ng dalawang karpentero kaninang madaling araw sa lungsod ng Pasay.

Ang biktima na nilalapatan ng lunas sa Makati Medical Center bunga mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Daniel Probedencial, 36 tubong Malolos, Bulacan trabahador sa EYGB Furniture Shop na nasa Estanislao St., Malibay, Pasay City

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang suspek na kinilalang si Reggie Laclac nasa hustong gulang na kasamahan ng biktima sa furniture Shop, na agad tumakas tangay ang kitchen knife.

Sa iniyal na imbestigasyon ni PO3 Giovanni Arcenue, alas 2:15 Huwebes ng madaling araw nang maganap ang insidente habang ang biktima at suspek ay nagkatuwaang uminom ng alak sa loob ng Furniture Shop.

Nagbibiruan ang dalawang magkaibigan nang nakapagbitaw ng pabirong salitang “Dugyot ka Dong” na ikinasama ang pagbibiro ng biktima.

Hindi nagustuhan ng suspek ang masamang biro ng biktima kaya agad na nagtungo ang suspek sa kusina, kinuha ang kitchen knife at nagmamadaling bumalik sa kinauupuan.

Tumutungga ng alak ang biktima nang pagsasaksakin ng suspek sa maselang bahagi ng katawan at nang makita nitong duguan na bumagsak ang biktima sa sahig dali-dali itong tumakas dala ang patalim na ginamit sa pananaksak.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply