Masbate, murder capital ng Bicol region

HINDI ko ito inilalathala upang pasamain ang imahen ng lalawigan kong  mahal.

Lalong hindi ko hangarin na itaboy ang mga gustong pumasyal sa Masbate.

Ayon mismo sa tagapagsalita ng PNP Region 5, sa talaan ng “murder cases” sa 6 na lalawigan ng Bikol ay 33% ang naganap sa Masbate o mahigit 1/3 sa pangkalahatang bilang.

At natitiyak natin na karamihan sa naganap na patayan sa aking probinsya ay “politically connected.”

Gaano karaming  buhay na ba ng mga politiko o kanilang mga tauhan ang naisakripisyo dahil lang sa kasakiman ng ilang politiko roon?

Tama na po, tigmak na ng dugo ang aking lalawigan!

Kung itatanggi ni Gov. Rizalina “Dayan” Lanete at 2nd Dist. Rep. Antonio “Tony” Kho na wala silang alam o hindi sila ang “utak” sa mga patayang naganap ay tahasan kong sasabihin, mga gago sila! Pwe!

Dahil dito, tatanungin natin si PNoy, ayaw mo ba mahal na Pangulo na maging kulay pula ang iyong matuwid na daan?

Pwes, unahin mong lipulin ang “private armed groups” sa lalawigan ng Masbate!

Ang kanilang pugad ay nasa mga bayan ng Placer, Cawayan, Cataingan, Uson, Milagros, Aroroy, Monreal, Batuan, Claveria at San Pascual!

Kunyari ay mga trabahador lamang sila sa loob ng malalaking “rantso” ngunit sila ang mga “killer” ng mga politiko!

Natitiyak ko, parekoy, na tataas pa ng husto ang bilang ng mga patayan sa Masbate kung hindi pupulbusin ngayon pa lang ang mga PAG nitong mga demonyong politiko!

Sa tanong kung bakit “kinakalantari” ko ngayon si Rep. Tony Kho? Simple lang po ang sagot ko . . . nakakaumay nang tumingin sa nagkalat na dugo!

Wala po tayong kinakampihan kahit sinong politiko sa Masbate, pero sa totoo lang, kilala natin silang lahat.

Pati ang tunay na likaw ng kanilang mga bituka!

Kaya tahasan kong sasabihin, parekoy, ang mga kamay lang ni Masbate City Mayor Ates Tuason ang walang bahid ng dugo!!!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply