Matapang na haharapin ni Roderick Paulate ang kanyang problema!

ALMOST two months nang hiwalay sina Derek Ramsay at Angelica Panganiban pagkatapos ng limang taon nilang relasyon.

Matunog ang tsismis na nagkakamabutihan na sina John Lloyd Cruz at Angelica pero walang masamang naririnig kay Derek. May respetohan pa rin ang dalawa kahit split na.

Walang siraang naririnig sa magkabilang kampo.

“I’m really focused on my work, but yeah, pwede, pwedeng mag-date, mag-mahal,” deklara  ni Derek.

Hindi raw nila sinayang ang oras at minuto nuong magkasama pa sila ni Angel. Panahon at pagkakataon na lang daw ang nagpahiwalay sa kanila. Dinenay rin niyang si Sam Pinto ang dahilan ng split-up nila ni Angel.

Nasa London na ngayon si Derek para i-cover ang Olympics 2012 bilang Sports Ambassador ng TV5.

-0o0-

AYAW pag-usapan ni Roderick Paulate ang sinusuong niyang problema sa pulitika at pagkakasuspinde pero matatag niya itong haharapin lalo’t alam niyang hindi siya guilty sa paratang sa kanya. Pinasok niya raw ito kaya kanyang kayanin.

Nagbiro na lang kami dahil may segment sa bago niyang show na H.O.T. TV・tuwing Sunday, simula sa August 5 na kinakausap niya yung nakakakita ng mundo・

Sabi namin, ipakiusap na rin niya na sunduin na ang mga kalaban niya sa politics. Natawa si Kuya Dick.

Nalaman namin na hindi pala first time ni Kuya Dick na sumalang sa talk show.

Sa Showbiz Linggo nuong araw ay siya pala ang pumalit kay Edu Manzano.Ang daming nakalimot nga rito. Parang ang tanda ko na!. Tingnan mo yun, maganda ang ginawa ko roon, kaya ako tumagal doon. Sabi nilang feedback, yung mga artista, natutuwa sila kapag ako ang nag-i-interview, hindi natatakot.

Kasi siyempre naman, kahit anong sabihin mo, pro-actor ako. I will not put them in a humiliating position,・deklara niya na sabi namin mas natatandaan pa ng tao ang Tonight With Dick and Carmi.

Ngayon pa lang ay nakikita na ni Kuya Dick na may chemistry na sa H.O.T. TV ng GMA 7.”Makikita ko talaga rito, every Sunday, tawanan kami nang tawanan nila Regine (Velasquez). Masaya to.

Kasi, hindi pa kami nagti-take, masaya na. Nagba-bonding na, okay na. Sabi pa nila, magmi-meeting raw kami for bonding. Siguro konti na lang・parang hindi na kailangan, e,”aniya pa.

-0o0-

Noon ay nahuli na namin sa isang resto na magkasama sina Enchong Dee at Julia Montes na magkasamang kumakain with Kathryn Bernardo at at Diego Loyzaga.

Ngayon ay may mga alingasngas na break na sila.

Sey ni Enchong, paano raw magbi-break, e, friends lang sila?

Ganoon?

-0o0-

Pagkatapos magulo ang love life ni Kiray Celis last week sa hit teen comedy series na LUV U, may bago na namang lalaking dadating sa Lamberto Uy Villarama University na siyang magpapagulo sa barkada.

Hindi pa man humuhupa ang gulong nangyari sa pagdating ng tisoy na manliligaw ni Whitney (Kiray), ipakikilala naman ni Honey (Arie Reyes) ang kanyang bagong boyfriend na si Bryan. Lingid sa kaalaman ng lahat, childhood sweetheart pala ni Camille (Miles Ocampo) ang binata.

Magseselos si Honey dahil inagaw na nga ni Camille si JB (Marco Gumabao) sa kanya tapos pati si Bryan ay aagawin pa rin nito. Pati si JB, pagseselosan ang bagong saltang binata. Aakusahang mang-aagaw ng boyfriend si Miles.

Abangan ang nakatatawa at magugulong eksena sa trending teen come -dy show na kasama ang special guest na si Arvic Rivero tuwingg Linggo pagkatapos ng ASAP 2012 sa ABS-CBN.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply