Matinding sampol ng baha

WALANG bagyo kundi low pressure area o masamang panahon lang ang lumipad-lipad kahapon sa repablik ni Juan.

Pero gaya ng alam ng lahat, ang daming binahang lugar.

Hindi lang ang Metro Manila ang tinamaan kundi ang ibang lalawigan gaya ng Bulacan at Pampanga.

Nagkaroon din ng mga baha sa Kabikulan.

Nagkaroon ng baha dahil sa magdamag na ulan na nagpatuloy hanggang sa maghapon.

Pero nagpakawala rin ang Ipo dam ng tubig nito kaya maraming lugar sa Quezon City at iba pang bahagi ng Metro Manila at Bulacan ang binaha.

oOo

Perhuwisyo, malaking perhuwisyo ang ibig sabihin ng mga pangyayaring ito.
Kabilang sa mga labis na naperhuwisyo ang mga may sasakyang nalubog sa baha.

Hindi mabilang sa daliri, Suki, ang mga sasakyang naabutan ng baha kung saan-saan.

Nasayang din ang mga oras ng pag-aaral ng milyong kabataan.

Marami ring lokal na pamahalaan at ahensiyang national  ang mga nagpauwi ng kanilang mga tauhan at naparalisa ang serbisyo publiko.

A oo, ang mga negosyo na binaha ay tinamaan din at nagsara. Dahil sa pagsasara ng mga ito, maraming deliberi ng mga produkto at serbisyo ang na-stranded din.

Ang dami talagang naperhuwsiyo.

oOo

Ang pag-alalay ng pamahalaan sa mga naperhuwisyo ay lubhang kailangan.

Mayroon ba itong nakahandang tulong sa mga biktima? Karaniwang walang malinaw na sagot dito ng mga onorabol, sa totoo lang.

Karaniwang ang mamamayan na lamang ang gumagawa ng paraan para makaahon sa baha at perhuwisyong dulot nito.

Marahil, ang bagay na ito ang isa sa mga pagtuonan ng pansin ng pamahalaan nagsasabing tumatahak sa tuwid na daan.

Ang kalagayan ng mamamayan dito ay ‘di matutugunan ng impitsmen at katulad na mga laro lang ng mga politiko.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply