Matteo Guidicelli super daring sa bagong afternoon soap!

KALORKY naman ang chism. Si Alex Gonzaga naman ang balitang gustong tsugihin sa Juicy na sa tingin namin ay isang wrong move. Gusto raw ng management ay mag-concentrate na lang sa acting si Alex at maging ‘Prinsesa ng Drama’ sa TV5.

Si Alex ay isa sa pinanonood namin sa Juicy dahil sa pagiging kikay, taklesa at pagko-comment na walang kagatul-gatol. Isa siya sa nakakaaliw sa naturang talk show.

Tamang time slot ang dapat ayusin ng TV5 at hindi ‘yung tsugihin ‘yung hosts. Isang malaking kawalan si Alex sa Juicy. Huwag kasing 12:30 am ilagay yan. (Oo nga naman. Dapat sa 2 am timeslot para hulas na ang emyas ni Bubonic! Hahahahahaha! Joke! – Ed) Hanapan ng tamang oras dahil may marka (Tama! Markang sinira ng pangitelyang si Bubog! Hahahahahaha! – Ed) na ang show na ‘yan sa televiewers at isa na lang ‘yan sa original show ng TV5 na naiwan sa sandamakmak na ni-launched noon.

Kaya naman niyang magdrama at the same time ay mag-host. Bakit naman ang sister niyang si Toni Gonzaga ay nagagawa ‘yun? Sina Kris Aquino, Jennylyn Mercado, Luis Manzano, KC Concepcion nasa talk show pero umaarte pa rin at napagsasabay naman.

-0o0-

NAKAKWENTUHAN namin si Matteo Guidicelli sa launching ng I-Shine Talent Camp na nagsimula nu’ng Sabado sa ABS-CBN 2, 9:30 am. Bago ang hairstyle niya dahil sa bagong soap niyang “Precious Hearts Romances: Isla” kasama sina Jessy Mendiola, Jewel Mische at Matt Evans.

“Bagong look, bagong character,” sey niya.

Seksing Matteo ang mapanonood dito dahil nasa isla sila. Magsusuot ba siya ng briefs rito?

“Hindi naman. Hahahaha. Basically, it’s a new me,” tugon niya.

Ano ang bago?

“Basta romance ito kaya maraming romance. Basta imaginin niyo ang dalawang tao na nasa island,” aniya.

“Parang Blue Lagoon po, ganyan,” sey pa niya na kung saan ay may kissing scene sila ni Jessy.

Three months niyang pinaghandaan ang show para maging seksi ang pisikal niyang pangangatawan at nag-workshop sila.

Kung pagsuutin siya ng underwear sa soap, okey lang ba sa kanya?

“Yes. Ginawa ko rati ‘yan sa ‘Agua Bendita’. Yeah, exciting kung gagawin ko ulit ‘yan.”

Gaano ka-sexy ang underwear niya sa ‘Agua’?

“Shorts.. shorts lang,” sagot niya.

E, kung ‘yung underwear talaga?

“Tingnan natin. Whatever the script required,” tugon niya.

Okey sa kanya ang mag-nude?

“Ay, hindi po, Hahaha,” mabilis niyang sagot at susundin pa rin niya ang payo ng parents niya dahil nasa kanila raw ang final decision.

Hindi ba magseselos si Maja sa romansahan nila ni Jessy?

“Hindi. Alam naman niya kung ano ang trabaho, anong hindi. Ang promise ko naman sa kanya, I’ll be professional here. I’ll give my hundred percent to do my best in this show. Excited ako dahil binigyan ako ng lead role ni Direk Lauren (Dyogi),” deklara niya.

Wala na ba silang away-away ngayon?

“Sa isang relasyon, hindi naman nawawala ‘yung tampo-tampuhan,” aniya pa.

Tsuk!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply