Mautak at mapaglaro!

ALAM n’yo bang kahit sino mang maging girlfriend ni Derek Ramsay ay walang karapatang mangarap na pakakasalan siya ng guwapo at seksing aktor?

Walang karapatang mangarap dahil parang wala namang balak si Derek na ipa-annul ang kasal n’ya sa napangasawa n’ya noon na isang maganda at edukadang babae. At kaya nga siguro ayaw n’yang ipa-annul ay para hindi na siya matali sa kung kaninong babae. Habang di pa annulled ang kasal nila, siyempre pa, hindi siya pwedeng magpaka- sal sa iba.

Pero kapag may girlfriend siya, pwede silang mag-sex na lang nang mag-sex hanggang gusto nila nang hindi sila nakatali sa isa’t isa. Pwede rin silang mag-live-in at pag sawa na sila sa isa’t isa, hindi nila pag-aawayan ang division of properties dahil wala naman silang conjugal properties (dahil nga sa never naman silang ikinasal).

Mukhang napakautak ni Derek para mapaglaruan ng mga babaeng naghahangad ng romansa ng kanyang kakisigan!

May kaibigan nga pala kaming abugada (babae po, hindi bading kundi babaeng-babae) na kaibigan ng bale ex-wife ni Derek. At ayon sa aming kaibigan, gustung-gusto ng  ex-wife ni Derek na mapawalang-bisa na ang kasal nila pero ayaw makipag-cooperate ng aktor.

Namayagpag siya nang namayagpag sa pakikipagrelasyon kay Anjelica Panga- niban pero hinayaan n’yang magdusa ang ex-wife n’ya na di makapagpakasal sa iba dahil legally ay nakatali pa ito sa kanya. Pero ang alam ng lahat ay napaka-gentleman n’ya at napaka-considerate na tao. Wow! ***

Ngayong yumao na si Dolphy sa edad na 83, sino na kaya ang pinakamatandang showbiz personality ngayon: si Ed- die Garcia ba? Si Gloria Romero? O sina Rustica Carpio at Anita Linda?

Ilang beses na ba nating naparangalan ang mga nabanggit na very, very senior stars? Habang malulusog pa sila at nakapagtatrabaho pa, sana ay paulanan natin sila ng mga parangal nang hindi tayo natataranta at bumubula ang mga bibig sa pagdi-demand ng karangalan para sa isang showbiz talent na malapit nang yumao.

Speaking of very talented very senior citizens, alam n’yo bang may babaeng 91 years old na nagpi-piano for three hours tuwing Sabado ng gabi sa food court ng Powerplant.

Mall sa Makati?

“Lady Sari” ang tawag sa kanya, bagama’t ang tunay na pangalan n’ya ay Priscilla Tiongco-Canicosa. Ate siya ng pamosong singing group na Tiongco Brothers, pero never siyang na-involve sa career ng mga kapatid n’ya.

Kasi naman ay hindi accompanying pianist si Lady Sari kundi solo artist. In fact, never pa siyang nag-akumpanya kanino man at never din siyang nag-perform kasama ng mga kapatid n’ya.

Halos 500 piyesa ang kayang tugtugin ni Lady Sari –nang walang binabasang music sheet. Remember 91 years old na siya! Tuwing tumutugtog siya sa Power Plant, may maliit na notebook sa baby grand piano na tinutugtog n’ya.

Habang tumutugtog siya, may mga lumalapit sa kanya para tingan kung music sheet (mga nota ng mga tugtog) yung maliit na notebook na nasa harap n’ya.

Nagugulat sila dahil nadidiskubre nilang listahan lang pala ng mga kan- ta yung nasa notebook n’ya–listahang sulat-kamay n’ya ang bawat entry. At pagkaganda-gandang handwriting na mistulang sulat-kamay ng isang kolehiyala!

Pre-war (bago mag-World War 2) pa siya nag-simulang mag-aral ng piano. Ipinagpatuloy n’ya yon pagkatapos ng digmaan bagama’t nagpakasal siya sa isang doktor na naging boyfriend n’ya bago pa nanalanta ang mga hapon sa bansa.

Alam n’yo bang 70 years old na siya nung magsimula siyang tumugtog sa harap ng publiko bilang entertainer? At biyuda na siya nu’n. Sixty years old na siya nung nabiyuda siya. Sampung taon siyang depressed dahil sa pagpa- naw ng mister n’ya. Actually, hindi sila nagkaanak.

Isang araw, may nag-alok sa kanyang tumugtog ng piano sa sosyal na Josephine’s restaurant sa Makati nang mala- man nito na nasa bahay lang siya madalas. Nung 1990s pa ito at magmula noon ay halos di na siya nabakante sa pagtugtog.

May mga CD album nga pala siya ng mga kantang from pre-war hanggang sa Broadway hits nitong mga nagdaang taon. Siya lang mismo ang nagbebenta ng mga album n’ya at iniaalok lang n’ya ang mga ito sa mga biglang nagtatanong kung may recordings siya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply