May-ari ng lumubog na barko sa Tawi-Tawi pinaiimbestigahan

PINAIIMBESTIGAHAN na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang may-ari ng lumubog na barko sa karagatan ng Sibutu island, sa Tawi-Tawi.

Sa nasabing pangyayari nasagip ng pinagsanib na pwersa ng PCG at Philippine Navy ang nasa 170 katao nakaramihan ay mga pasahero.

Nabatid na nagkaroon ng engine problem ang M/L Lucky Man kaya hindi na ito umandar pa hanggang sa dahan-dahan itong lumubog sa karagatan sa nasabing lugar.

Ayon naman sa report mula kay Rear Admiral Armando Guzman, commander ng Naval Forces Western Mindanao, overloaded ang nasabing barko kaya ito lumubog.

Napag-alaman na 60 pasahero lamang ang kapasidad nito ngunit umabot sa mahigit 100 ang mga pasahero.

Gayunman, bago tuluyang lumubog ang barko ay dumating ang rescue team ng PCG at maging ang Philippine Navy kaya naagapang mailigtas ang mga pasahero.

Sa ngayon ay inaalam na rin ang maaaring pananagutan ng may-ari ng barko at kapitan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply