May ipagmayabang lang pati trabaho ng iba inaangkin

ANAK ng putsss naman…. ano bang klaseng gabinete ng gobyerno itong si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Ramon Paje?

Makapagpa-pogi lang, kahit ang mga kapalpakan at kapabayaan nito ay ginagawa niyang accomplishment para lumabas na siya’y pogi sa harap ng ating Pangulo?

Mantakin ninyo, ang nakaraang accomplishment  ng NBI ay ipinagmamayabang ni Bale, e este, Paje na DENR daw ang nakahuli sa nasabat na 55 containers ng kahoy na idineklarang mga semento.

Ang ipinagmamalaki ni Paje ay tumulong  lang daw sa kanila ang NBI( naku ha?) gayong ang totoo ay hirap sa surveillance ang inabot ng mga ahente ng NBI para ma-huli ang illegal log.

Alam nyo ba, mga pare ko, itong si onorabol Sec. Paje ay ubod ng sinungaling. Mang-aagaw din lang ng accomplishment pati yung talagang ahensiyang nagtrabaho ay initsapuwera pa sa eksena. Ano ba ito? Hehehehe.
Ang masakit pa nito, matapos na masabat ang illegal logs ay pinagsisibak pa ni Paje ang mga maliliit na empleyado ng DENR sa Mindanao gayong siya ang dapat na masibak dahil sa kanyang walang kabuhay-buhay na performance.

Responsibilidad niya ‘yon dahil ‘yung mga kahoy na nahuli ng NBI ay ginagawa ngayong upuan para sa public schools.

Mahiya ka naman, Mr. Sec. Paje. Huwag naman niyong angkinin ang  trabaho ng iba para lang may ipagmayabang kay PNoy.

EPD Sugalan largado pa rin

Patuloy pa rin ang operasyon ng lotteng nina Cris at Rose sa Pasig City.

Walang kinatatakutan ang magpakner dahil sa ipinamamalita ng mga ito na pader sila. Sa Mandaluyong naman isang alyas Dodo ang operator ng lotteng dito.

Anoman ang reklamo mangyari ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email  juandesabog@yahoo.com.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply