May kakayanan ang Navy sa construction

SA SERYE ng mga kapabilidad na isinusulong at pinaiigting ng isang hukbo, ang kakayahan sa construction o yung combat engineering ay ‘di lamang napakaimportante kundi napakakomplikado pa.

Sa Philippine Navy, ang Naval Construction Brigade (NCBde) o “Sea Bees” ang naitalaga para sa kakaya-hang ito.

Una sa lahat, “Sea Bees” ang itinawag sa ka-kaibang mga tauhan ng Navy na ito dahil sa letrang “C” at “B” na bumubuo sa CB o Construction Brigade.

Ang mga tauhan ng CB’s o “Sea Bees” ay may rating na BU o yung Builder Rating sa Navy.

Dulot nito, ipinagkaloob sa kanila ang kakayanang maglunsad ng naval construction at yung combat engineering.

Ang naval construction ay kakaiba kaysa military engineering ng mga Army at Air Force dahil kalimitang may kinalaman sa karagatan o baybaying dagat ang ginagawa ng mga Sea Bees.

Para sa combat engineering naman, mahalagang bahagi ito ng kabuuang kakayahan ng isang hukbo dahil dito nakasalalay ang suporta para sa pagsasagawa ng mga tungkulin at misyon ng mga regular na tropa – sa lupa, himpapawid o dagat man.

—ooo—

Nitong  nakaraang linggo, noong Hulyo 16, 2012 ay idinaos ng NCBde and kanilang ika-45 na anibersaryo.

Masarap isipin dahil sa tagal na pala ng panahon at mula sa motto ng Sea Bees na “Can Do,” ay napakarami na nilang naitulong di lamang sa Hukbong Dagat kundi higit sa lahat ay sa napakarami nating mga kapatid sa iba’t ibang sulok ng bansa.

Mahalagang alalahanin na dahil sa kakayanan ng Navy na magdala ng tropa at kagamitan saan mang sulok ng ating mahigit na 1,700 na isla ay sabay na naisusulong ang kakayanan ng ating Sea Bees kahit saan o kahit kailan man.

Sa mga tauhan ng ating Sea Bees, at sa kanilang Commander na si Commodore Elmer C. Carillo, isang malugod na pagbati at pasasalamat sa inyong walang sawang pagtulong sa ating Sandatahang Lakas at mamamayang Filipino.

—ooo—

Isang tunay na inspirasyon ang ipinamamalas ng ating Sea Bees sa nakalipas na 45 na taon.

Sana, dulot nito, ay pa-tuloy tayong lahat sa pagbuhos ng suporta para sa malakas at kredableng Navy tungo sa masagana at mapayapang bansa.

Kaya natin yan Pinoy!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply