May kissing scene sina Toni at Vice Ganda? (Susmaryosep!)

SA JULY 29 na ang last episode ng Showbiz Central at inihahanda na ang bagong showbiz oriented show, ang Hot TV, na itatapat sa The Buzz simula August 5 which will be hosted by Regine Velasquez kasama sina Richard Gutierrez at Jennylyn Mercado.

“Wow! Idol ko si Regine. Gusto ko siya!” nangiting reaksyon naman ng isa sa hosts ng The Buzz na si Toni Gonzaga nang mabanggit namin ang tungkol sa bagong show na itatapat sa kanila. “Pero… ako naman e nakakadalawang taon pa lang sa The Buzz. Thirteen years na ang the Buzz. So…pakiramdam ko, bago pa lang ako rito kaya wala pa ako sa posisyon na mag-react do’n sa itatapat sa amin.

“Basta masaya lang ako na nabigyan ako ng opportunity na maging part ng The Buzz na isang showbiz authority sa industriya and working along side with Tito Boy (Abunda) na ang dami kong natututunan every Sunday.”

After ng PBB Teen Edition, may panibagong show raw na gagawin si Toni sa ABS-CBN pero hindi pa siya makapagkwento ng detalye tungkol dito.

“Basta meron kaming bagong programa na sa ngayon ay pinaplanong mabuti na mapaganda nang husto. Hindi siya teleserye. It’s a variety show. Basta… isang masayang bagong programa ang binubuo namin.”

Marami ang nakapapansin sa very slim na pangangatawan ni Toni Gonzaga ngayon, pero hindi naman daw siya todo-diet para lang makapagpapayat nang husto.

“Nagyu-yoga lang ako,” aniya. “Basta may chance, nagyu-yoga ako, tapos nagda-dance class rin ako… ballroom.

“Nagpapayat talaga ako para sa movie’ng ginagawa ko with Vice (Ganda) ngayon. E, kasi… leading lady niya ako. “Baka maging mas maganda pa sa akin si Vice kaya nagpapaganda ako!” sabay tawa ng actress-TV host.

Napupuna naman ng boyfriend niyang si Direk Paul Soriano ang effort niyang magpapayat at mas magpaganda pa?

“Of course!” tawa ulit ni Toni. “Pero ayaw naman ni Paul ng masyadong payat. Gusto niya, medyo may laman din naman nang konti.

“Kaya lang minsan, dahil nga kapag sunud-sunod ang trabaho tapos nakakalimutang kumain… ‘yon!”

Exciting para kay Toni na hindi isang hunk actor o guwapo ng leading man ang kapareha niya sa latest project ng Star Cinema kundi si Vice nga.

“Hindi pa-girl si Vice sa pelikulang ito. Lalaki siya rito. May working title na ito pero babaguhin yata kaya hindi ko pa masabi.

“So… talagang exciting kung paano siya magpapakalalaki.

“Nakaka-four shooting days na kami at walang sayang na oras dahil masaya kami sa set.”
Ano ‘yong eksena nila ni Vice na nakunan na sa palagay niya’y siguradong ikaaaliw ng moviegoers?

“Kissing scene!” patili at natawa ulit na sabi ni Toni. “Basta may kissing scene kami na parang nangyari na parang hindi. Na… nakatatawa talaga no’ng kinunan namin.

“’Yong may romantic scene kami ni Vice na hindi namin makunan. Kasi tawa kami nang tawa.”

“Last week kinunan ‘yong kissing scene namin kaya siguro binagyo tayo dahil hindi matanggap ng tadhana ang mga nangyayari!” pabirong sabi pa ni Toni.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply