May sayad hinalay sa dyip

SWAK sa kulungan ang isang 37-anyos na lalaki matapos nitong pagparausan ang isang ginang na may diperensiya sa pag-iisip sa loob ng isang pampasherong dyip sa Maypajo Caloocan City.

Si Joseph Orocio, 37, ng 108  Estacio St. Maypajo Caloocan ay kasalukuyang nakapiit sa selda ng Caloocan police at nahaharap sa kasong rape,

Ang biktimang si Maricar, hindi tunay na pangalan, 30, may-asawa at 2 anak ng Marikina St., Maypajo ay pormal na sinamahan ng kaptid sa pulisya para pormal na magharap ng reklamo.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni P02 Juleta Dabo ng Women and Children Protection Desk (WCCD) ng Caloocan police, dakong alas-10:00 kagabi nitong nakaraang July 17 ng isagawa ng suspek ang panghahlay sa biktima sa loob ng nakaparadang pampasaherong dyip sa nasabing lugar.

Nabatid nakita ng una ang huli na naglalakad sa nasabing lugar, palibhasa may deperensiya sa pag-iisip kaya sumama ito ng yayain ng una na dinala sa jeep at saka isinagawa ang makamundong pagnanasa.

Nang malaman ang pangyayari ng mga kamag-anak ni Maricar, hindi naman itinanggi ng biktima ang pangyayari.

Agad na sinamahan nila ang biktima sa pulisya para maghain ng demenda at saka inaresto ang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply