May sayad nagbigti

PINAGLALAMAYAN na ang isang binata na sinasabing may diperensya sa pag-iisip matapos nitong bigtihin ang sarili sa Brgy. Lataag sa lungsod ng Laoag.

Kinilala ang biktima na si Alexis Paulino, 39-anyos at residente ng Brgy. Lataag, Laoag City, Ilocos Norte.

Ayon sa pamilya ni Paulino, nalulong ito sa bawal na gamot noong nag-aaral pa sa Maynila kaya nagpasya ang magulang nito na pabalikin ito sa probinsya ngunit mula noon ay naging kapansin-pansin na ang kakaibang kilos nito.

Sinabi ng kanyang tiyahin na nagsisilbing guardian ni Paulino na tinangka ng biktima na lumabas  kagabi ngunit pinigilan niya hanggang sa natagpuan na lamang niya itong wala nang buhay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply