May sayad nang-hostage sa Roxas City

ARESTADO ang isang lalaking may sayad sa utak makaraang mang-hostage ng pasahero ng tricycle sa Barangay Inzo, Arnaldo, Roxas City.

Kinilala ang suspek sa pangalang Aron, inaresto ng pulisya nang tutukan ng barbecue stick sa leeg ang ginawang hostage na babae, pasahero ng tricycle na kanyang pinara.

Nabatid na sumakay sa side wheel ng tricycle ang suspek na nauna na ring tangkang magnakaw ng motorsiklo na pagmamay-ari ng isang empleyado ng Roxas City police station.

Bago ang insidente, napag-alaman na nagtangkang tumalon mula sa isang gusali ang suspek at nanghabol pa ng mga pasyente sa isang klinika.

Lumalabas na nasiraan ng bait ang suspek matapos malipasan ng gutom.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply