Mayor, opisyales, inihalal na ng China sa Sansha City

POSIBLENG muling mamuo ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng Pilipinas at China makaraang ianunsyo ng huli ang election sa pagka-mayor at opisyales nito sa itinayong bagong siyudad sa Spratly Islands.

Nabatid na inihalal si Xiao Jie, 51, bilang kauna-unahang mayor ng Sansha City.

Ayon sa isang website ng Chinese government na inilathala kagabi, si Xiao,  head ng Hainan Provincial Agriculture Department, “was elected mayor of the city in the first session of the first Sansha Municipal People’s Congress held on Yongxing Island, the government seat of Sansha.”

Inihalal namang director ng standing committee ng Sansha Municipal People’s Congress si Fu Zhuang, 56, deputy director of Hainan Provincial Civil Air Defence Office.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply