M’canang: De Lima di tiyak na mapapasa sa shortlist ng JBC

HINDI pa sigurado kung makakasama sa shortlist ng Judicial and Bar Council (JBC) si Justice Secretary Leila de Lima.

Kaya walang dahilan para bigyan ng negatibong impresyon ang pagtanggap ng Kalihim sa kanyang nominasyon bilang chief justice.

Tugon ito ng Malakanyang sa  pagbatikos ni Lipa Archbishop Ramon Arguelles sa ginawa ni De Lima na aniya’y “in bad taste” at hindi nakakabuti sa hudikatura.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, walang katotohanan ang paratang ni Bishop Arguelles na ang pagtanggap ni De Lima sa nominasyon ay patunay na hawak na ng Pangulo ang hudikatura.

Sinabi pa ni Valte na dadaan pa naman sa screening ng Judicial and Bar Council (JBC) ang mga nominado at hindi pa matiyak kung makasama sa shortlist si De Lima.

At ang apela ng Malakanyang sa publiko ay  mabuting igalang na lang daw ang pagtanggap ni De Lima sa nominasyon at sa desisyon ng iba pang nominado.

“Mas pinipili naming respetuhin ang desisyon ng mga nominado, kung tatanggapin nila ang nominasyon o hindi.

Walang ibang pinapatunayan ang pagtanggap ng nominasyon ni Sec. De Lima, taliwas sa sinasabi ni Bishop Arguelles, dahil dadaan pa ito sa screening ng JBC tulad ng lahat ng nominado,” ang pahayag ni Usec. Valte.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply