Malakanyang: PNoy huwag pangunahan

NAKIUSAP ang Malakanyang sa pubiko na huwag pangunahan si Pangulong Benigno Aquino III kung dapat na insider ng Korte Suprema o taga-labas ang itatalagang bagong chief justice.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, mas mabuting hintayin na lamang ang shortlist ng Judicial and Bar Council (JBC) at kung sino ang itatalaga ng Chief Executive.

Tugon naman ito ng Malakanyang sa naging pahayag ni senior Associate Justice Antonio Carpio na maaaring bumaba ang morale ng hudikatura kung outsider ang pipiliin ng pangulo.

Sinabi ni Sec. Lacierda na makabubuting iwasan muna ang mga ispekulasyon dahil wala itong kabuluhan at walang epekto sa prosesong ginagawa ng JBC.

Matatandaang si Carpio ang inakusahan ni dating Chief Justice Renato Corona na kasabwat para sa kanyang impeachment dahil may ambisyon umanong maging punong mahistrado.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply