M’cañang sa mga estudyante: ‘Wag sumali sa frat

TINAWAGAN ng pansin ng Malakanyang ang mga estudyante na iwasang sumali sa violent activities gaya ng fraternity upang hindi magaya sa kamakailan lamang na pagkamatay ng isang estudyante ng San Beda law school dahil sa fraternity hazing.

“Kung totoo man na ito ay biktima ng hazing, itigil na po natin ang ganitong cycle of violence, wala namang nagbe-benefit sa ganito,” ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.

Tiniyak naman nito na nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang Philippine National Police sa insidente.

“Nakagugulat po ang nangyari na meron na namang victim of alleged hazing, wala pa sa atin lahat ng impormasyon… sa aking pagkakaalam ay inutusan na ng hepe ng pulis doon na imbestigahan dahil late yata na-confirm,” ayon kay Usec. Valte.

Sa ulat, napag-alaman na namatay si Marc Andrei Marcos, isang estudyante ng  San Beda law school matapos mapag-alamang biktima ng fraternity hazing rituals sa Dasmariñas, Cavite noong Linggo, Hulyo 29, 2012.

Sa isang post sa isang Facebook page, makikita ang Lsghotline Sbc, San Beda Law Student Government na nagkumpirma ng pagkamatay ni Marcos.

Habang hindi pa natatapos ang imbestigasyon ay kinukunsidera lamang ito bilang pambubugbog.

Subalit kapag napatunayan na namatay si Marcos sa hazing ay masasabing ito ang pangalawang pagkakataon na isang San Beda law student ang namatay sa hazing matapos ni Marvin Reglos,  na namatay noong Pebrero.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply