Meat products mula China hinigpitan ng BOC

MAGING ang Bureau of Customs ay bantay-sarado na rin ang meat importation mula sa China kasunod na rin ng paglobo ng mga namamatay dahil sa hand foot and mouth disease sa apat na lalawigan sa China.

Tiniyak ni Customs Commissioner Ruffy Biazon na nakaalerto ang kanilang hanay upang mapigilan ang pagpasok ng karne mula sa nasabing bansa sa harap na rin ng nakakalusot na smuggling na karneng baboy at baka.

Bukod dito, nakikipag-ugnayan rin sila sa Department of Agriculture upang mabigyan ng proteksyon ang mamamayan sa loob ng bansa na mapektuhan ng nasabing sakit

Umabot na sa 112 na ang namatay sa sakit na hand, foot and mouth disease nitong nagdaang buwan sa China.

Kasabay nito, pinaalalahanan ng mga lokal na opisyal sa mga probinsya ng China ang mga magulang na agad magpa-check-up sa doktor oras na nakitaan ng sintomas ng naturang sakit tulad ng singaw, lagnat at rashes ang kanilang mga anak na bata.

Noong nakaraang linggo mahigit 381,000 na indibidwal ang napag-alamang infected ng naturang sakit.

Dahil dito, naglabas na ng babala tungkol sa outbreak ang mga probinsya sa China tulad ng Gansu, Fujian, Jiangsu at Xinjiang hinggil sa naturang sakit.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply