Meat shop sa Quezon City hinoldap

NATANGAY ang may P20,000 kita at ilang mahahalagang kagamitan makaraang holdapin ng mga hindi nakilalang suspek ang isang meat shop sa  Holy Spirit Drive, Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Base sa pahayag nina May Yamson at Manny Gituna, mga tindero ng naturang meat shop, bigla na lang silang pinasok ng mga armadong suspek, tinutukan ng baril at saka kinuha ang kanilang mga cellphon, pera at ang kita ng meat shop.

Masuwerte namang nakunan ng CCTV camera ang naganap na panghoholdap  na malaking tulong sa isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply