Media na nagkokober sa DOJ, umani ng suporta

MAINIT na usapin pa rin hanggang sa ngayon ang  isyu ng pagpapalayas ng Department of Justice sa dalawang opisina ng media sa kanilang kasalukuyang tanggapan.

Kaugnay nito, ibat-ibang grupo at sector naman ang nagbigay ng suporta sa mga miyembro ng media na nagkokober sa DOJ.

Sinabi ni Anakpawis Rep.Rafael Mariano na maituturing na paglabag sa karapatan sa pamamahayag ang pasya ng pamunuan ng DOJ na ilipat ng opisina ang Justice and Court Reporters Association o JUCRA at ang Justice Reporters Organization o JUROR,  lalo na at  ibinatay lamang sa intelligence report ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na nagsasabing ‘threat’ o banta sa seguridad ang mga mamamahayag sa DOJ.

Giit ni Mariano,  hindi lamang ang mga mamamahayag ang inaalisan ng karapatan sa impormasyon ng DOJ, kundi pati na rin ang mamamayan na nagbabantay sa gawain at performance ng DOJ.

“Direktang resulta ng aksyong ito ng DOJ ang pag-alis ng access sa impormasyon ng mga media. Taliwas ito sa interes ng gobyerno na maging transparent at bukas ito sa publiko,” ani Mariano.

Sinabi naman ni Bayan Secretary General Renato Reyes,  na labis na nakababahala ang kautosan ng kagarawan na lubhang mapanganib dahil maari magdulot ito ng masamang pangitain at tularan ng ibang tanggapan ng gobyerno.

Bagamat nauunawaan, aniya, nila ang pangangailangan na higpitan ang seguridad sa DOJ dahil sa posibleng mga banta ngunit batid rin nila na mahalaga para sa mga mamamahayag na magkaroon ng access sa pinagmumulan ng balita.

Ayon pa kay Reyes, hindi rin katanggap-tanggap ang pagbansag ng National Intelligence Coordinating Agency sa media na banta sa seguridad.

Sa halip, aniya, na pagdiskitahan ang media ay dapat na lamang na magpatupad ng  dagdag na security measure ang kagawaran upang mabantayan at mainspeksyon mabuti ang mga indibidual na pumapasok sa DOJ compound.

Nababahala rin ang National Union of Journalists of the Philippines o NUJP sa kautusan ng Department of Justice na tanggalin ang mga tanggapan ng dalawang press office sa ikalawang palapag ng kagawaran.

Ayon sa NUJP, itinuturing na paghihigpit o restriction sa panig ng pamamahayag ang hakbang ng pamunuan ni Justcie Secretary Leila de Lima.

“Bagaman kanilang kinikilala ang administrative right ni Secretary Leila De Lima kung saan ilalagay ang mga opisina ng media na nagkokober sa DOJ  ay maliwanag namang curtailment o paninikil sa press freedom ang kautosang kailangang humingi pa ng clearance ang mga reporter bago magsagawa ng panayam,” sabi ng grupo .

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply