Mga bahay sa ilalim ng Nagtahan Bridge nilamon ng apoy

NILAMON ng apoy ang tinatayang 50 bahay sa ilalim ng Nagtahan Bridge sa Sta. Mesa, Maynila kaninang mag-aalas-3:00 ng madaling-araw.

Ayon sa ulat, nag-ugat ang sunog dahil sa napabayaang kandila.

Nabatid din na kabilang sa mga nasunugan ay ang komedyanang si Whitney Tyson.

Habang inaapula ang sunog ay isinara muna sa mga motorista ang magkabilang panig ng Nagtahan Bridge dahil sa makapal na usok mula sa mga nasusunog na bahay.

Patuloy ang imbestigasyon at inaalam na kung magkano ang pinsala ng sunog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply