Mga baril natangay sa security agency

AABOT sa 15 baril ang natangay sa isang opisina ng security agency ng hindi pa kilalang suspek sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.

Sa ulat, dakong alas-7:20 ng umaga nang matuklasang nawawala ang mga baril ng PRC Security Agency sa Building 1 sa C. J. Santos St., Malinta ng lungsod.

Inaalam na ng pulisya kung sino ang nasa likod ng pagkawala ng mga baril at kung may nangyaring inside job.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply