Mga debotong Katoliko naka red-alert vs RH bill

NAKA-RED alert status ngayon ang mga debotong katoliko sa buong bansa para bantayan ang mga nagsususlong na maipasa ang  kontrobersyal na Reproductive Health bill.

Ayon kay Eric Manalang, presidente ng Pro-Life Philippines, kailangan naka red alert ang mga Katoliko para mapigilan ang mga mamababatas na nagkukumahog na maisabatas ang RH bill.

Nauna rito, sinabi ng ilang mga Obispo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na dadalhin nila sa lansangan ang protesta para tutulan ang nasabing panukalang batas.

Nakatakdang isalang sa Agosto 7 ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ang debate sa nasabing panukala.

On Friday, Speaker Belmonte said House members on August 7, 2012 will vote and decide whether to terminate or extend the period of interpellation and debate on the RH bill.

“Plenary will have to vote on August 7 and decide, once and for all, whether we should terminate or continue the long-drawn plenary debate on the RH and start with the period of amendments,” he said.

He explained that, “If the vote is in favor of terminating the debates then the period of amendments follow and the RH bill will be put to a vote for passage on 2nd reading. If the vote is against termination of the debates then it is back to plenary interpellation.”

Kaugnay nito, hinimok ng mga Obispo ang mga mananampalatayang Katoliko na manindigan para sa buhay at patuloy na tutulan ang panukala.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply