Mga empleyado sa QC hall, isasabak sa screening process

ISASALANG ngayon araw sa screening process ang lahat ng empleyado ng Quezon City hall para matiyak na mawawalis ang hinihinalang mga ghost employee.

Pangungunahan ni QC Vice Mayor Joy Belmonte ang pagsasagawa ng screening process.

Ayon kay Belmonte, gagawin ang nasabing proseso para ipakita ang transparency ng lokal na pamahalaan at maibalik ang tiwala ng mamamayan.

Nauna rito, sinuspinde ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang dalawang miyembro ng QC council dahil sa pag-eempleyo ng  mga ghost employee.

Ang anim na buwang suspensyon ay inihain ni DILG-Quezon City director Juan Juvian Ingeniero kina Councilors Francisco Calalay Jr. and Roderick Paulate.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply