Mga fans ni Albie Casino handa na sa laban

MAPALAD ang guwapo at disenteng bagets Idol na si Alfie Casino dahil na organized na ang Fans Club niya.

Sa totoo, handa na ang kanyang mga fans na sumagot sa mga atake at patutsada nina Andie Eigenmann at Jacklyn Jose. Abangan natin ang mainit na sagupaang ito.

***

Jake Vargas hinihintay sa Pulilan

HINIHINTAY ng kanyang mga kababayan sa Pulilan ang bagets Idol na si Jake Vargas. Balitang magpapakain siya sa Pulilan sa kanyang mga supporter at kaibigan. Sa totoo, balwarte ng bagets na aktor ang Pulilan dahil tagaroon ang kanyang mga kamag-anak at minsa’y tumira rin siya rito nu’ng hindi pa siya aktibo sa show business.

***

Panalo si Vice Gov. Daniel Fernando

IPINAHAYAG ng Forever Loyalist of Daniel Fernando na panalo na ito kahit sa isang taon pa ang eleksyon. Sa mga survey ng political analyst ay ang mabait na actor-turned politician ang palaging nangunguna. Buong Bulacan ang nagmamahal sa mabait na Vice Governor, lalo pa sa bayan ng Pulilan na kanyang Balwarteng maituturing kaya walang sinomang kayang banggain siya rito.

‘Yan naman kasi ang maganda kung matino kang politiko. Pagdating sa panahon ng eleksyon, doon mo aanihin ang iyong tapat na pagsisilbi at pagpapakahirap na madulutan ng ginhawa ang iyong nasasakupan.

***

Ms. Anita Linda at Mila Del Sol nalungkot sa pagyao ni Dolphy

LABIS na nagdalamhati ang Living Legend ng Movie Industry na si Ms. Anita Linda, na rating reyna ng Premiere Productions, at Ms. Mila Del Sol na reyna naman ng LUN Pictures. Sang-ayon kay Chito Alcid, baston ni Ms. Mila Del Sol ang baston na ihahataw sana sa kanya ni Anabelle Rama.

Iginagalang pa rin ngayon ng industriya sa sina Ms. Anita Linda at Ms. Mila Del Sol dahil na rin sa mga naiambag nila sa kanilang sining.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply