Mga impostor ng local water project sa Mindanao, ipinahuhuli

IPINAARESTO ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo ang mga taong gumagamit sa kanyang pangalan at nag-aalok ng kanilang serbisyo para mapadali ang pag-apruba ng local water projects sa ilalim ng P1.5 bilyon na Salintubig Program ng pamahalaan sa Mindanao.

“We have just received reports that some unscrupulous individuals are roaming around various LGUs in Mindanao, introducing themselves as my friends, offering to prepare the project proposals and its approval. For the information of everybody, I have not authorized anybody, except some concerned DILG officials, to implement the Salintubig project,” pahayag kaninang umaga ni Robredo.

Ayon kay Robredo, ang mga impostor ay may dalang SAROs o listahan ng Special Allotment Release Order na inisyu ng Department of Budget and Management, at nag-aalok na mapabilis ang pag-apruba o pag-release sa pondo ng ikinakasa nilang proyekto.

Ang P1.5 bilyong Salintubig (Sagana at Ligtas na Tubig sa Lahat) Program ay inimplementa sa ilalim ng isang memorandum of agreement ng DILG, Department of Health at ang National Anti-Poverty Commission.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply