Mga kalsada patungong H. Luzon, bukas na

BINUKSAN na ang karamihan sa mga kalsada papunta sa hilagang Luzon para madaanan ng motorista.

Sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos na sa ngayon, ang tanging hindi na lamang madaanan ay ang Bugias at Kabayan sa Benguet at ang Barangay Talubin sa Bontoc, Mt. Province dahil apektado pa ito ng landslide.

Maaari nang daanan ang Kennon, Naguilan at Marcos Highway paakyat sa Baguio City.

Ayon kay Ramos, bukas sa daloy ng trapiko ang mga kalsada mula sa Maynila patungo sa Aparri at sa Pagudpud.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply