Mga militante sumugod sa VMMC

SUMUGOD ang mga militante sa gate 1 ng Veterans Memorial Medical Center kung saan nananatili si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Ito’y makaraang makapaglagak ng P1 milyon piyansa matapos paboran ng Pasay Regional Trial Court Branch 112 ang bail petition ng dating Pangulo para sa electoral sabotage case nito.

Kabilang sa mga sumugod sa VMMC ay ang mga miyembro ng Bayan Muna, Pamalakaya, Act, KMU, Gabriela at iba pa.

Nagpahayag ng pagkadismaya ang mga nabanggit na grupo sa naging desisyon ng korte.

Isinisisi din ng mga militante sa Malakanyang ang napipintong paglaya ng dating Pangulong Arroyo.

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply