Mga nasibak na PAL employee nag-rally sa SC

NAGWELGA ang mga natanggal na cabin crew ng Philippine Airlines (PAL) sa harap ng Korte Suprema kasabay nang unang araw ng Judicial and Bar Council (JBC) interview sa mga aspirante sa pagka-punong mahistrado.

Nanawagan ang mga nasibak na empleyado ng PAL sa sinumang uupong Chief Justice na desisyunan na ang usapin.

Iginigiit nila na iligal ang retrenchment sa kanila ng PAL noong 1998 kaya isinampa nila ang usapin sa Supreme Court (SC) na tatlong beses namang pinaboran ng kataas-taasang hukuman.

Ngunit binawi ng SC en banc ang desisyon noong Oktubre 2011 dahil sa umano’y technicalities.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply