Mga negosyante nababahala sa serye ng holdapan sa Iligan City

NABABAHALA ngayon ang mga negosyante sa Iligan City dahil sa serye ng holdapan na naganap sa lungsod.

Sinabi ng mga negosyante na kahit malilit na establisimyento ay hindi sinasanto ng mga suspek at pinapasok ng mga holdaper.

Pinababantaan din ng mga holdaper ang may-ari ng establisimiyento na papatayin kapag hindi nakuha ang pakay ng mga ito.

Aminado naman si PNP City Director Police Senior Superintendent Celso Regencia na nababahala sila ngayon sa sunod-sunod na holdapan.

Pero sinabi nito na doble ang kanilang ginagawang seguridad ngayon para maprotektahan ang mga negosyo sa Iligan City.

Ipinangako ni Col. Regencia na hindi magtatagal ay mapapasakamay din nila ang mga suspek dahil may lead na sila kung sino ang mga ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply