Mga paaralan sa Metro Manila na walang pasok ngayong araw

KINANSELA ang klase ng ilang paaralan sa Metro Manila makaraan ang patuloy na pananalasa ng ulan dulot ng namataang low pressure area (LPA) sa bahagi ng Batangas.

Kabilang sa mga nagsuspinde ng klase ang mga sumusunod:

– Eton International School, QC
– Karuhatan Elementary School
– Karuhatan National High School
– Sto. Niño Catholic School, Taguig
– Headway School of Giftedness, QC
– Preschool and Elementary
– Jose Abad Santos Memorial School
– Pasay Science High School
– Pasay City West High School
– Flora Ylagan High School
– Philippine Medical Women’s School
– Lahat ng preschool hanggang highschool sa Parañaque
– Earist, Nagtahan sa Maynila
– Rizal Technological University, Mandaluyong City

Klase sa preschool hanggang high school suspindido sa:
– Pasay
– Parañaque
– Makati
– Maynila
– Quezon City

Wala ring pasok all levels sa mga sumusunod:
– San Juan
– Caloocan
– Navotas

Panghapong klase sinuspinde sa:
– Polytechnic University of the Philippines (PUP), Sta. Mesa
– University of Santo Tomas (UST), Espana, Manila
– University of the Philippines (UP) Manila
– New Era University

Sinuspinde na rin ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Cainta, Rizal.

Nagsuspinde rin ng klase ang Talisay Batangas Elementary and High School sa nasabing lalawigan.

Muli namang ipinapaalala na nasa kamay na ngayon o may prerogative na ang local government unit (LGU) officials na suspendihin ang klase sa kanilang nasasakupan kung kinakailangan.

Ayon kay Parañaque City Mayor Florencio Bernabe, Jr., ang kanselasyon ng klase ay bunsod ng walang tigil na pag-ulan simula pa kagabi.

Sinabi ni Bernabe na minarapat nilang kanselahin ang pasok ng mga estudyante ngayong araw dahil sa banta ng mga pagbaha lalo pa’t high tide ngayon sa kanilang lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply