Mga pantalan sa bansa, sasailalim sa rehab

P600-milyon  ang inilaang pondo ng Department of Transportation and Communications para sa rehabilitasyon ng mga pangunahing pantalan sa bansa.

Pangungunahan ng Philippine Ports Authority (PPA), kabilang sa mga pantalan na aayusin ay ang ang Iloilo Commercial Port Complex, Albay Tabaco Port, Ormoc Port sa Leyte, Dumaguete Port sa Iloilo, Lucena City Port, Dumangas Port at Pio Duran Port sa Albay.

Layunin ng nasabing proyekto na ma-upgrade pa ang serbisyo sa publiko dahil sa pagdami ng mga pasahero at kargamentong iniluluwas at ibinababa sa mga pangunahing pantalan sa bansa.

Kasabay nito, tiniyak ng Pangulong Benigno Aquino III na hindi na puwedeng maliitin ang Hukbong Sandatahan kasabay ng patuloy na modernisasyon na inilaan ng Pamahalaan.

Ayon sa Pangulong Aquino, hindi lamang ang AFP ang palalakasin ng gobyerno kundi maging ang PNP na naipagkaloob na nito ang 74,600 na baril upang magamit ng mga pulis sa pagtatanggol at pangangalaga ng kapayapaan laban sa mga kriminal.

Ipinagmalaki rin nito ang P28 bilyong pondong inilaan para sa modernisasyon ng AFP upang makabili ng mga nasabing mga gamit.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply