Mga papa ng actor-politician kasamang sumasahod sa munisipyo kahit walang job

HANGGANG ngayon ay pinag-uusapan ang actor-politician dahil marami pa rin ang nalilito sa kanyang tunay na kasarian. Sabi ng ilan, hindi naman daw talagang tunay na baklita ito, sa pelikula ‘yon. Sa tunay na buhay daw lalaki siya.

Well, kung pagbabasehan ang kanyang galaw at pananalita, walang duda, malansa ang kanyang dugo. Pero dahil sa hindi naman natin siya nakikitang chumuchurva ng boy, tamang duda na lang muna tayo sa kanya. Kahit pa 50 na siya at wala pang misis, hindi muna namin siya aakusahang isang vaklung!

Pero pa’no ipaliliwanag ng actor-politician ang umano’y pagpapasahod nito sa sampung julakis kahit wala naman silang job sa munisipyo?

Blow-job daw meron. Hehehe!

Hay, naku! Sobrang bait kasi ng honorableng aktor kaya hayan, problema niya ngayon kung paano pakakainin ang kulang isang dosenang mhin na nawalan bigla ng job.

***

Ate Guy umuwi ng Pinas na walang dala, bumalik nang wala ring bitbit

HINDI biro ang ginawang paghahanda para lamang mapauwi rito si Nora Aunor pero heto’t wala rin namang nangyari sa kanyang career. Umuwi rito nang walang dala, bumalik sa Amerika nang wala ring bitbit. Ano ba ‘yan? Kaylan pa kaya titino ang buhay ni Ate Guy?

May binibigay na trabaho ang Kapatid network ayaw namang gawin. Hindi na raw niya feel ang gumawa ulit ng teleserye. Tuloy na-badtrip daw si Mr. Manny Pangilinan, at wala na yatang gana pang suportahan ang beterang aktres.

Sabi naman ng ilan sa mga tagahanga ng Superstar, pahamak daw kasi sa buhay ng idolo nila si John Rendez.

Masyado raw itong pabigat. ‘Yung milyones na kinita ng una sa TV5 at sa El Presidente ni Gov. ER Ejercito, naubos lang daw sa kapritso ng dambuhalang ‘special friend’ ni Nora. ‘Yung album na ginastusan ng aktres para kay John hindi natapos. Nagsayang lang ng salapi. Sus ginoo!

Ang nakahihiya ngayon, pati mga kakilala niyang movie press ay inuutangan daw. Panay daw ang text sa mga ito. Baka naman si John lang ang gumagawa nito at ginagamit lamang ang cellphone ng magaling na aktres.

Balita natin, si Kuya Germs na parating to the rescue kay ate Guy ay hindi na raw magbibigay. Nagsawa na raw ito sa kagi-givsung. Hahaha!

***

Boy Logro nilampaso nina Jodi at Papa Chen

NUMBER 1 daytime TV program na ngayon sa bansa ang kasisimula pa lamang na Prime-Tanghali ‘kilig-serye’ ng ABS-CBN na “Be Careful With My Heart.” Mistulang pinakinggan ng buong sambayanan ang panawagang pagka’kapit-bisig’ ni Jodi Sta. Maria dahil tagumpay ang bawat araw sa pilot week pa lamang ng kanilang teleserye ni Richard Yap.

Sa katunayan, ayon sa datos ng Kantar Media noong Biyernes (Hulyo 13), nag-reyna na ang “Be Careful With My Heart” sa daytime block taglay ang 17.2% national TV ratings. Ang katapat naman nitong programa sa GMA na “Chef Boy Logro Kusina Master” ay nakakuha lamang ng 9.9%.

Gayundin, pasok ang bawat episode ng pilot week sa top 10 overall TV programs sa buong bansa.

Ayon kay Jodi, labis ang kaligayahan nila ni Richard at ng buong team ng kanilang serye sa napakainit na suporta ng TV viewers.

“We were optimistic about the show’s ratings but we weren’t expecting it would be this high,” ani Jodi. “Ang gusto lang namin noong una ay makapaghandog ng bago at masayang panuorin sa ating audience sa umaga. Pero sobra po ang naging response nila. Kaya very thankful din naman po talaga kami sa kanila!”

Naniniwala si Jodi, na gumaganap sa kuwento bilang ang masayahing dalaga na si Yaya Maya, na nag-click sa mga manonood ang show dahil sa hatid nitong ‘good vibes.’ Paliwanag niya, “I think the viewers wanted something new in their daytime routine. Maybe the viewers appreciate the lightness of the show.

Napapaalalahanan kasi sila na kahit gaano kapangit ang mga pangyayari sa buhay, may choice pa rin tayong maging positibo.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply