Mga pekeng reporter, di papapasukin sa SONA ni PNoy

NAKAKASA na ang preparasyon at alituntunin ng mababang kapulungan ng Kongreso para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa darating na Lunes.

Sinabi ni Atty. Artemio Adaza, deputy secretary general ng House of Representatives, mas hihigpitan nila ngayon ang mga miyembro ng media na hindi accredited ng Kamara upang maiwasan ang mga aberya.

Ayon kay Adaza, marami ang pasaway at nagpapanggap lamang na media at nakikisabay sa lehitimong mamamahayag para makalibot sa Batasang Pambansa, kaya mas dodoblehin nila ang seguridad pagpasok pa lamang sa Kamara.

Inaasahan nilang maraming makikinig, dadalo at manonood sa SONA ng Pangulo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply