Mga Pinoy seamen hinikayat na magpa-AIDS test

UMAPELA ang isang kongresista sa mga seafarers na sumailalim na rin sa HIV-testing.

Ipinaliwanag ni Rep. Arnel Ty ng LPG Marketers’ Association (LPG-MA) Partylist na para na rin sa kapakanan ng mga “Filipino sailors with sexually active lifestyles” upang malayo at maisalba na rin ang pamilya laban sa human immunodeficiency virus (HIV).

“It is not exactly a secret that many sailors are exceptionally vulnerable to HIV, owing to their easy access to commercial sex services overseas, plus they have the money to pay for it.”

Si Ty ang isa sa mga may-akda ng House Bill 5312 na nagsusulong na mapondohan ng P400 milyon ang HIV/AIDS Prevention and Control Plan.

Ang HIV ang pinagmumulan ng nakamamatay na Acquired Immune Deficiency Syndrome or AIDS. Sa pinakahuling tala ni Ty noong May 30, may kabuuan na aniyang 1,921 overseas Filipino workers (OFWs) ang positibo sa HIV.

“We have reason to believe many of these HIV-positive OFWs may be sailors,” he said.

Pinuna rin ni Ty na ang mga sailors o seamen ay hindi sumasailalim sa medical examination bago sila ujmalis ng Pilipinas lalo na kapag ang tatrabahuan ay single employer o shipping firm.

“They usually get tested only once, shortly before they are initially recruited by the employer. After that, the sailors go abroad for a few months, come home for a furlough, and then go back to work without any subsequent health checks,” ani Ty.

Makabubuti aniya na bago umalis at pagdating sa Pilipinas ay magpasuri ang isang sailor o seaman bago pa man lubusang umuwi ng kani-kanilang bahay upang maprotektahan ang kaniyang pamilya.

Mahigit sa 350,000 Filipino sailors ang ngayon ay nasa abroad at sakay ng mga foreign ocean-going vessels.

Hindi naman, aniya, lingid ang katotohanan na sa tuwing dumadaong ang barko sa alinmang panig ng mundo ay posibleng magkaroon ng ugnayan sa babae ang sinumang seafarer kung kaya mabuti pa rin ang dobleng pag-iingat sa pamamagitan ng pagpapasuri.

pagpapasuri.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply