Mga residente ng Baseco pwersahang inilikas dahil sa pag-ulan, storm surge

PWERSAHANG inilikas kagabi ang may 200 residente o 69 pamlya sa Baseco sa Tondo dahil sa storm surge o biglang paglaki ng mga alon sa Manila Bay at walang humpay na pag-ulan dahil sa bagyong Gener.

Pansamantalang nanunuluyan sa Baseco gym ang mga inilikas habang hindi pa humuhupa ang mga pag-ulan na dulot ng bagyo at Habagat.

Sa ngayon, hindi pa pinapayagang makauwi sa kani-kanilang bahay ang mga residente hanggat hindi pa idinedeklara ng lokal na pamahalaan at ng PAGASA na ligtas nang bumalik sa kanilang mga tirahan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply