Mga suspek sa paggawa ng ‘crush’ video, kulong

NAKAKULONG na sa La Union Provincial Jail ang mag-asawang sangkot sa pag-gawa ng mga video ng mga hayop na karumaldumal na sinasaktan,

Naaresto ang mag-asawang Dorma at Vicente Ridon matapos matapos sampahan ng Department of Justice ng mga panibagong kaso at magpalabas ng arrest warrant. Isinagawa ang pag-aresto matapos ang isang taong imbestigasyon ng National Bureau of Investigation.

Nag-ugat ang kaso laban sa mag-asawa matapos ipag-bigay alam ang reklamo ng grupong People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) Asia sa mga awtoridad.

Nahaharap ang mga akusado sa kasong may kinalaman sa pag-gawa ng napakadaming “crush” video kung saan may mga batang babae na kakaunti ang suot na damit ay pinapakitang karumaldumal na sinasaktan at pinapatay ang hayop. Ang mga naunang kasong isinampa sa mag-asawa ay animal cruelty at child abuse dahil ang mga babae sa mga video ay mga menor de eded pa noong panahong ginawa ang mga nasabing video.

Sinampahan ng DOJ ng panibagong kasong pag-labag sa Wildlife Protection and Conservation Act (RA No. 9147), sa Anti-Trafficking in Persons Act (RA No. 9208), at karagdagang kaso ng child abuse.

Ang kasong ito ay nag-hudyat din sa isang senador na mag sumite ng resolution to conduct an inquiry on crush videos at isang kongresista naman ang nagmungkahing ipag-bawal ang pag-benta, pakikipag-palitan, o magpakalat ng mga crush video sa Pilipinas at sa ibang bansa.

“Ang Maynila ay ‘ground zero’ sa international war laban sa crush video industry,” sabi ng PETA Asia Vice President Jason Baker. “Ang Pilipinas ay may oportunidad na isara ang pinto ng pang-aabuso sa mga hayop sa pamamagitan ng pag-papanagot sa mga Ridon para sa sakit at hirap na idinulot nila sa mga hayop.”

Ang mga crush video ay nagpapakita ng karumaldumal na pagpapahirap sa mga hayop tulad ng mga kuneho na binabalatan ng buhay at ginugupitan ng tenga habang nagsisigawan sa sakit at itinapon sa apoy, isang aso na pinapaso ng plantsa, isang unggoy at mga asong paulit-ulit na tinutusok ang mga mata ng matutulis na takong ng sapatos at mga tutang inuupuan at dinadaganan hanggang sa isuka na nila ang kanilang laman loob.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply