Mga tent sa kalye, road closure pinuna sa POC

NASA MMDA ang mga Public Information Officer na miyembro ng Association of Information Officers in Metro Manila (AIMM) ngayong Biyernes para sa Traffic and Road Courtesy Seminar na makatutulong sa amin para ma-disseminate naman ito sa kanya-kanyang LGU o ahensiya.

Salamat kina Chairman Francis Tolentino, GM Corazon Jimenez, at Goddes Hope Oliveros sa pag-host ng aming monthly meeting at fellowship.

* * * * * * *

Pinuna ng business sector representative ang dami ng mga tent sa kalye at madalas na pagsasara ng mga kalye sa Marikina.

Ayon kay Ed Francisco, presidente ng PCCI Marikina, hindi maganda ang ganitong gawain kasi nakaaantala sa galaw ng negosyo.

Sinusugan ito ni Kon. Domingo “Barako” Dela Paz, kapitan ng Bgy. Sto. Niño at presidente ng Association of Barangay Captains sa Marikina, at sinabing may mga ordinansa na nagbabawal ng ganitong practice.

Sabi ni Barako, hindi niya pinapayagan ang ganitong gawain sa kanyang barangay. Hinuhuli pa raw niya ito at kinukumpiska ang mga tent.

Hindi rin daw maganda na makita ng mga bata ang mga magulang nila na andun sa mga tent na nakikipag-inuman sa kalye.

Malamang daw, ang sasabihin ng mga bata, “ang galing ng tatay ko, umiinom sa kalye. Paglaki ko, gagayahin ko ang tatay ko!”

Kahit saang lugar naman sa Metro Manila ay naglipana ang mga tent na may nakapaskil na pangalan at mukha ng politiko.

Ito ay kadalasang hinihiram ng mga residente para sa lamay sa patay at iba pang okasyon.

Para kay Barako, okey lang yung para sa patay basta du’n gawin sa bakanteng espasyo at huwag sa kalye.

Pero ‘di raw maganda kung mang-iistorbo ka ng kapwa para lang sa birthday, debut, atbp.

Sa batas pala, hindi puwede magpasara ng kalye ang mga kapitan ng barangay.

Sa Marikina, ang hepe lamang ng City Traffic Management and Development Office, Rommel Felipe, ang awtorisadong mag-order ng road closures at rerouting.

Ito ang sinabi ni Head Executive Assistant, Victoriano Sabiniano, Jr. sa monthly meeting ng Peace and Order Council.

Napuna sa nasabing meeting ang Bgy. Tumana na madalas daw nagpapasara ng Farmers I Avenue. Dahil dito, maraming napupuwerwisyo na libu-libong motorista at commuters na dumadaan dito papunta at galing sa UP-Balara.

Dapat daw imbitahan ang mga kapitan sa susunod na meeting ng POC para maresolba na ang isyung ito.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply