MIAA sa mga pasahero: Makipag-ugnayan sa mga airline

INABISUHAN na ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang mga pasahero ng mga nakanselang flights na agad na makipag-ugnayan sa kanilang mga airline.

Ayon sa MIAA mabuting malaman agad ang panibagong iskedyul kung kailan maaaring makasakay ang mga apektadong pasahero.

Kahapon (Hulyo 3) ay nakansela ang apat na flight ng Cebu Pacific na papunta sa Naga at Busuanga at pabalik ng Manila gayun din ang dalawang flights ng Airphil Express.

Ang kanselasyon ng flight ay bunsod ng masamang panahon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply