MILF sa PA: Pagkilos limitahan ngayong panahon ng ramadan

NAKIKI-USAP ngayon ang pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front military affair sa pamahalaan particular na sa pamunuan ng Philippine Army na kung maari ay limitahan ang pagkilos ng militar sa mga lugar na lubhang marubdob ang pagdiriwang ng panahon ng Ramadan.

Ito ang panawagang inihayag ng General Staff ng Bangsamoro Islamic Armed Forces (GS–BIAF) ng MILF sa gobyerno na i-restrain ang movements at maging ang mga activites ng government security forces sa
mga itinuturing na sensitive areas ng MILF sa panahon ng Ramadan.

Nabatid na ipinadaan ng General Staff–BIAF, ang highest governing body at nilitary organ ng MILF ang kanilang apela sa MILF Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities (CCCH).

“Kindly convey to our good partners with the government our appeal to restrain the movements of the Philippine Army troops in MILF communities during this Ramadhan,” ayon kay Al Haq.

“The entire BIAF–MILF and I also believe that the AFP are fully committed to the ceasefire accord government,” ani Al Haq.

Magugunitang magkatuwang ang mga haligi ng peace process – ang GPH at MILF CCCHs kasama ang mga kinatawan ng Malaysian led International Monitoring Team (IMT).

Nabatid pa na ngayong taong kasalukuyan ay wala pang naitatalang sagupaan sa pagitan ng government at ng MILF forces na magandang pangitain sa sinusulong na usapang pangkapayapaan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply