Mindanao, Northern Luzon, makararanas ng matinding ulan

MAKAAAPEKTO ang dalawang sama ng panahon ang Mindanao at NorthernLuzon bunsod ng  Southwest Monsoon o  Habagat sa Luzon.

Ayon sa ulat ng PAGASA ang Luzon ay magkakaroon ng madalas na maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog na magiging maulap na may malawakang mga pag-ulan sa mga kanlurang bahaging hilaga at Gitnang Luzon na maaaring magdulot ng mga pagbaha.

Samantala, ang binabantayang Low Pressure Area ng PAGASA ay huling namataan sa layong 600 km Silangan Timog-Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Habang ang isa pang LPA ay nasa layong 440 km silanganhilagang-silangan ng Tuguegarao City.

Una nang iniulat ng PAGASA na posibleng maging bagyo ang dalawang samang panahon at kung ang dalawang LPA ay maging ganap na bagyo habang nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas, ang mga ito ay tatawaging “Gener”at “Helen.”

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply