Mining policy ni PNoy suportado ng Kamara – SB

SUSUPORTAHAN ng Kamara ang anumang mining policy na isusulong ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ito ang tiniyak ni House Speaker Feliciano Belmonte at aniya’y hinihintay na lamang ng Kamara ang bersyon ng Malakanyang sa bagong mining policy o ang Executive Order 79.

Ayon kay Belmonte, bagama’t may mga nakabinbin na panukalang batas sa pagmimina ay ang gawa pa rin ng administrasyong Aquino ang kanilang susundin.

Tiniyak ni Belmonte na suportado nila ang pilosopiya ng mining leadership ni Pangulong Aquino at kung ano ang gustong gawin ng pamahalaan ay ito ang kanilang aaprubahan sa Kongreso.

Sa oras na dumating ang kopya ng mining policy ng Palasyo, ssinabi ni Belmonte na hihimayin at pag-aaralan nila ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply