Misis minartilyo ni mister, patay

DAVAO- “Hindi na nga niya ko binibigyan ng pera, lagi niya pa akong sinisigawan at sinusuntok. Sa galit ko minartilyo ko siya.”

Ganito ang paglalahad sa pulisya ng isang mister na inaresto dahil sa pamamaslang sa sariling misis sa gitna ng kanilang pagtatalo kamakailan.

Nahaharap ngayon sa kasong parricide si Arturo Maco, 43, empleyado ng Sumifru at residente ng Purok 6, New Corella, Davao Del Norte dahil sa pamamaslang sa maybahay na si Judyliza, 32.

Base sa imbestigasyon ni Police Officer 2 Jonathan Invi-diado, ng New Corella Municipal Police Station (CMPS), nag-away umano ang mag-asawa nang bigla na lamang pinalo ng suspek ng martilyo ang ulo ng kanyang misis.

Sinubukan pang tumakas ni Arturo matapos ang nasabing insidente ngunit agad itong naaresto ng mga rumespondeng pulis.

Sa presinto, ikinatwiran ng suspek na napatay niya ang asawa dahil hindi umano siya binibigyan ng pera bukod pa sa paninigaw at pagsuntok nito sa kanya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply