Misis na nagpaanak sa sarili dumaranas ng matinding depresyon – doktor

(UPDATE) DUMARANAS ng severe depression ang ginang na nagpaanak sa sarili sa pamamagitan ng paghiwa sa tiyan gamit ang kitchen knife at pagtahi gamit ang ordinaryong karayom at sinulid.

Ito ang kinumprima ngayon ng pamunuan ng Sta. Ana Hospital batay sa lumabas na resulta sa psychiatric exam na ibinigay nila sa ginang.

Ayon kay Dir. Mario Lato, maging ang mga kamag-anak nito ay hindi makausap ng matino ang ginang na nasa OB ward ng ospital at binibigyan ng anti-depressants.

Sa ngayon ay nasa maayos na kalagayan na ang ginang at kung papayagan ng Manila Police District ay maaari na itong makauwi.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply