Missile ship ng China na sumadsad sa Palawan, aayudahan ng Pinas

ITO ang naging pahayag kahapon ng Defense Department kaugnay sa ulat na isang Chinese military ship na armado ng missile rockets ang nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas particular na sa bisinidad ng Palawan.

Kaugnay nito, paiimbestihagan naman umano ni Defense Secretary Voltaire Gazmin kung ano ang ginawa ng isang Chinese vessel sa loob ng teritoryo ng Pilipinas.

Nabatid na malambot ang reaksyon ditto ng China dahil ayonb mismo kay Gazmin …”) well ang kwan natin, aalamin natin, kung bakit nga nandyan yung barko, o naaground yan, maaring naaksidente o whatever, we, right now, we are not very sure of that, that’s why we are trying to validate, and kung kinakailangang mag offer ng assistance para matulungan sila, makaalis sa lugar tutulong tayo”

Kung maalala, isang Chinese navy vessel ang sumadsad sa bahagi ng Palawan noong Miyerkules base sa unang ulat na inilabas ng isang Austrlian news paper.

Kabilang ang naturang vessel sa People’s Liberation Army Navy (PLAN) na sumadsad sa Half Moon Shoal o Hasahasa islet sa Spratlys at kontrolado ng Pilipinas.

Matatagpuan ito 60 nautical miles sa kanluran ng Palawan at bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Una rito, ikinaalarma ng mga mangingisdang Pilipino ang presensya ng Chinese vessel.

Ayon kay Philippine Navy Commodore Rustom Peña, tagapamuno ng Naval Forces West, handa silang tulungan ang kanilang Chinese counterpart sakaling kailanganin.

Tumangi naman si Pena na magkomento sa posibilidad na maaring ploy lamang ito ng Beijing government para ma-okupahan ang Half Moon Shoal.

Aminado naman umano ang China na sumadsad ang isa sa mga barko nitong nagpapatrolya sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea (West Philippine Sea).

Sa kalatas ng Chinese Defense Ministry, sumadsad ang kanilang missile ship habang nagpapatrolya umano sa Half Moon Shoal.

Ang Half Moon Shoal ay 111 kilometro lang sa kanluran ng Palawan. Ito ay pasok pa rin sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Wala naman umanong nasugatan sa mga crew ng barko.

Ayon pa sa China, kanila nang isinasagawa ang recovery operation.

Ang Half Moon Shoal ay tinatawag ng Pilipinas na Hasahasa Shoal. Ang panibagong insidente ay inaasahang lalo lang magpapatindi sa tensyon sa pagitan ng China at Pilipinas.

Hanggang ngayon ay hindi pa nareresolba ang standoff sa pagitan ng Beijing at Pilipinas sa Scarborough Shoal na kapwa rin inaangkin ng dalawang bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply