Mister naglaro ng russian roulette patay

NAUTAS ang isang mister matapos itong magbaril sa ulo habang ang una ay nag lalarong ng russian roulette game kagabi sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. 33 Maypajo Caloocan City.

Dead on arrival sa Chinese Medical Hospital si Roberto Julian, 48, may asawa, ng 108 Guido St., ng nasabing barangay sanhi ng isang tama ng bala ng kalibre 38 sa ulo.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni P02 Michael Anthony Ramirez, ng Station Investigation Division (SID) ng Caloocan police, dakong alas 12: 10 ng hating gabi ng maganap ang insidente sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Base sa pahayag ng asawa ng nasawi na si Verginia 51, nasa ibaba sila at  nag mamadaling manaog ang kanyang anak na si Khamille, 17, para ipaalam ang ginagawang russian roulette game ng kanyang ama sa pamamgitan ng pagtutok ng baril sa ulo at saka kinakalabit ang gatilyo.

Ilang saglit isang malakas na putok ang umalingawngaw dito na nakita na duguang at naghihingalong nakahandusay ang biktima kaya agad humingi ng tulong sa kapitbahay para itakbo sa ospital.

Kusang isinuko ng pamilya sa mga awtoridad ang nasabing baril ng biktima kasama ang  38 pirasong live ammos.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya at inaalam kung aksidente o may foul play sa nasabing insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply