Mister tigok sa tarak ng nairitang kainuman

PATAY ang isang lalaki matapos pagsaksakin ng nairitang kainuman kaninang alas-dos ng madaling araw sa Caloocan City.

Dead on arrival sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center (PDMMC) si Jomark Escande, 37, may-asawa, ng B Lot 17, Lapu Lapu, Dagat-Dagatan ng lungsod sanhi ng dalawang malalim na saksak sa dibdib at isa sa tagiliran.

Mabilis namang tumakas ang suspek na nakilala lamang sa alyas na Ronron, residente rin ng nasabing lugar.

Base sa salaysay sa mga awtoridad ni Jerwin Rayon, kasamahan ni Escande, inabot ng madaling araw ang kanilang subalit nang malasing ang biktima ay sobrang makulit at maingay na ito na ikinairita ng suspek.

Agad nagbunot ng patalim at tatlong ulit na sinaksak ni Ronron ang biktima bago tumakas bitbit ginamit na patalim.

Inaalam ang tunay na motibo sa pamamaslang habang nagkasa na rin ng manhunt operation para sa ikadarakip ng suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply