Mixed pathogens sanhi ng misteryosong sakit sa Cambodia

ANG pinagsama-samang pathogens ang sinasabing dahilan ng nakamamatay na sakit sa Cambodia, una nang kumitil ng buhay ng 64 bata.

Kasama sa pathogens na nakita sa samples na sinuri ay ang enterovirus 71, streptococcus suis bacteria at dengue.

Ayon sa medical doctors, ang hindi tama na paggamit ng steroids, na maaaring makaaapekto sa immune system, ang nagpalala sa sakit sa karamihan ng mga biktima.

Una rito, iniulat ni Dr. Beat Richner ng Kantha Bopha hospitals na nagkaroon ng encephalitis o pamamaga ng utak ang mga biktima ng kakaibang sakit, mataas na lagnat at humihina ang baga.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply